Naaala mo pa ba ang araw na to? Ika-apat na araw ng buwan ng Pebrero?
Limang taon na ang lumipas, isang bagay na hindi inaasahan ang nag-umpisa sa pagitan natin. Sa mga araw na pinagsamahan natin, pinatunayan natin kung gaano natin kamahal ang isa't isa. Masaya tayo dahil sa katotohanan na magkasama tayo. Naramdaman ko kung gaano ako kaswerte na dumating ka sa buhay ko, at yun din ang nakita kong nararamdaman mo sa tuwing titingin ako sa iyong mga mata.
Mahabang tatlong taon ang pinag-samahan natin. Sa mga taon na pinagsamahan natin, maraming bagay na ang napagdaanan natin. Ilang ulit na umiyak, ilang beses na nasaktan, pero higit sa lahat ng mga pangyayaring yun mas nangibabaw ang pagmamahalan natin.
Akala ko noon ikaw na ang taong makakasama ko sa habang buhay. Akala ko ikaw na yun... pero mali pala ako.
Masyado pa akong bata noon, aminado ako masyado pa akong mahina noon. Ilang beses kong nasaktan ang puso mo. Ilang beses kitang nasaktan. Naaalala ko pa ang mga araw na umiiyak ka dahil sa akin. Sa bawat patak ng luha mo, tila isa itong latigo sa humahagupit sa puso ko. Sa bawat pasakit na naidulot ko sa yo, doble ang sakit na nararamdaman ko sa tuwing makikita kitang lumuluha. Sa kabila ng mga nagawa kong pagkakamali sa yo, minahal at inintindi mo pa rin ako.
You loved me in your own special way. I felt special knowing that I was loved by you. I can still picture in my mind the way your eyes sparkle and how cute you say "Yab Yu B!"
Do you still remember how proud we were when we tell our friends that we’re so in love? Do you still remember the look of jealousy in their eyes when they see the sweetness that we have for one another? Sabi nila bagay daw tayo, isang bagay na lagi naman nating sinasang-ayunan.
Limang taon ang nakakaraan, hawak kita sa aking mga bisig. Ngayon ang tanging hawak ko na lang ay mga alala ng ating pinagsamahan.
You were my source of strength. Sa yo ko lagi nakikita ang pag-asa, para sa sarili ko, para sa relasyon natin. Alam natin pareho, na sa ating dalawa, ako ang mas mahina, at nagtiwala ako sa yo na hindi ka magpapakahina, na hindi ka bibitiw sa atin. Hinawakan ko ng mahigpit ang mga kamay mo para hindi ka mawala, dahil ayokong makita kang naglalakad palayo sa akin, ayokong makita na kumakawala ka sa pagkakahawak ko sa kamay mo. Hindi ko gustong mawala ka... hindi ko ninais na umalis ka.
I built my world around you. I left my own and started sharing with yours. We built plans for us, we dreamt together. We promised that we will never let each other go.
Maraming mga bagay tayong ipinangako sa isa't- isa. Mga pangako na kailanman ay hindi na matutupad. Mga pangako na binura na ng panahon.
Do you still remember the day when we said our last goodbye? We embraced each other tightly, so tight that I could almost feel every beat of your heart. We held each other so tight as we cried on each other's shoulders. Sa pagkakataong yun, alam natin pareho, na yon na ang huling beses na mahahawakan natin ng ganoon kahigpit ang isa't isa.
Nangako tayo na hindi natin papakawalan ang isa't-isa, pero mabigo tayo...
Naalala ko ang gabing yun na tumalikod ako para humarap sa pinto. Panandalian akong natigilan dahil alam ko na sa paglabas ko sa pintuang yun iiwanan ko lahat ng bagay na meron ako sa huling tatlong taon. Iiwan ko ang lahat kabilang ang tanging mundong alam ko sa tatlong taon na pinagsamahan natin.
Paano ako magpapatuloy? Paano ko uumpisahan uli ang buhay kung alam ko na sa likuran ko ay ang lahat ng bagay na meron ako, at ngayon ay kinakailangan ko na na itong iwan.
Natakot ako sa katotohan na pagbukas at paglabas ko sa pintuang nasa harapan ko ay hindi na kita makikita uli. Takot ako sa katotohanang hindi ko alam ang mga bagay na naghihintay sa akin sa labas ng pinto. Ninais kong manatili, manatili sa tabi mo, manatili na malapit sa yo, pero alam ko na mas makabubuting umalis na lang ako dahil wala na akong dahilan para manatili, dahil ang tanging tao na may hawak ng dahilan na yon ay nais na akong umalis.
Naaalala mo pa ba na hindi naging madali sa atin ang mamaalam sa isa't isa? Dahil alam natin na sa mga sandaling yun ay mahal pa rin natin ang bawat isa. Pero sa maraming kadahilanan kailangan natin pakawalan ang isa't isa dahil alam natin na yun ang makabubuti para sa atin. Marahil hindi sapat ang pag-ibig para manatili ang isang tao lalo na kung ang pag-ibig na yun ay magdudulot ng mas higit na pasakit at luha sa isa.
Naaalala ko pa ang mga gabing umiiyak ako hanggang sa pagtulog. Yun ang mga gabing hinahabol ako ng iyong mga alaala pati sa panaginip, at tuwing umaga nakikita ko na lang ang sarili ko na umiiyak dahil sa yo. Nagtagal yun ng ilang buwan. Nagtagal yun ng ilang taon. Akala ko noon hindi na ako makakapag-move on.
Pero sa mga araw at buwan na hindi na tayo nagkikita, kahit paano nagbigay ka pa din sa akin ng lakas para ipagpatuloy ang buhay. Hindi madali ang mag-move on pero kailangan ko itong gawin, hindi para sa sarili ko kundi para sa iyo.
Naaalala mo pa ba noong lagi mong sinasabi sa akin na "Be happy!"? At naaalala mo pa ba noong lagi akong sumasagot na "Paano ako magiging masaya kung ang tanging tao na dahilan ng kasiyahan ko ay hindi na akin?"
Pinilit kong hinahap ang sarili kong kasiyahan. Ang kasiyahan sa nagumpisa sa yo. Hindi madali ang magumpisa ng panibagong buhay at panibagong mundo mula sa kawalan pero ginawa ko ang lahat ng dapat gawin dahil alam ko na ito ang gusto mong gawin ko. Gusto mo akong maging masaya kahit hindi na ikaw ang kasama ko.
Maraming bagay akong natutunan sa yo. Natutunan ko kung paano magpahalaga sa mga bagay at taong nais kong manatili sa akin. Naging mature ako sa maraming bagay dahil sa yo. Natuto akong maging matatag dahil sa yo. At higit sa lahat, dahil sa pinagdaanan natin, natutunan ko na ang mga magagandang bagay ay hindi talaga nagtatagal gaano man kaingat na hawakan ito sa ating mga palad.
Ika-apat na araw ng Oktobre ngayon, limang taon at walong buwan na sana tayo...
P.S.
Eto ang aking opisyal na entry sa E[kwento]MO na pakontest nina Karmi at Komski.

P.S. Uli
Galing sa luma kong blog ang enrty na ito. Ni-edit ko lang at ginawang tagalog.







17 comments:
Dear Yods,
Matagal muna akong natengga sa harap ni laptop bago ko nakuhang itayp ang comment ko.
Gusto ko lang sabihin sa iyo na pagdating sa dulong dulo eh wala na ako masyadong mabasa hano... dahil Oo, yods, aysoheychu! pinaiyak mo ko.
Huhuhuhuhu!!! Taenang yan. Hahahah!!! Nabalik mo lang naman ang memory ng isang taong dalawang taon mahigit kong pilit na kinalimutan na hindi umiiyak. ngayon lang ako naka iyak kung kelan im sooooooo over na. hahahah :))
shet. i cried. so not me.
sorry i forgot to put tears..
THREE tears :)
Dear Sammieboy/superboi
masaya akong malaman na napaiyak ka sa kwento ko, o kasi dahil nakarelate ka. Ginawa ko talaga ang entry na ito para magpaiyak ng sino mang makakabasa nito. ahaha
hush hush! wag na iyak uy, sipon mo tumutulo na, ayan o ang lapot. ahaha.
nyay! wag ka dito bumoto, doon ka kina karmi bumoto, sayang din yung 3 tears na boto mo sa akin. ehehe
yods i voted na
Grrr... ANG EMO!!! At nakaka-relate ako!!! Huhuhu. =_ C
Bago pa lang akong lurker sa blog mo, Parekoy. Dahil sa sinulat mo, bumabalik na naman ang sakit ng nakaraan. Wala naman talaga sigurong paghihiwalay na naging madali. Kailangan move on lang ng move on.
3 tears :)
Naaalala mo pa ba na hindi naging madali sa atin ang mamaalam sa isa't isa? Dahil alam natin na sa mga sandaling yun ay mahal pa rin natin ang bawat isa.
masakit talagang makipag hiwalay lalo na at alam nio na mahal nio pa rin ang isa't-isa pero dahil mas makakabuti para sa inyong dalawa kelangang gawin.
memories,*sigh*
antaray..
bigla tuloy akong nakarelate.
haizt..
kinabahan
dahil kasalukuyan kaming nasa 1taon ng dudung ko.
geh.
puto
este yods
dalawang luha para sayo pag bumoto na ko,
dalawa lang, ksi sakin yung tatlo.
hehe.
apir!
mr. bedimpled yods,
ang emo mo talaga. in fairness nagulat ako na may tumugtog talaga sa background. iba ka!
kung binasa ko ito noong bitterette pa ako baka tulad ni superboi, hindi na ko nakapagbasa pa.
ano bang masasabi ko?
hmmm...
una mahaba...
sige na nga seryoso na...
hindi ko rin noon alam kung kaya ko ang magmove on. tatlong taon kayo (tama ba?), limang taon naman ang sa akin. limang taon na siya ang naging sentro ng buhay ko. mahirap pulutin ang buhay na nawasak na, pero kaya pala. isa lang ang laging sinasabi sa akin ng kaibigan ko noon na siya namang sasabihin ko rin sa iyo...
have faith in better days.
=)
@Alex
- sobrang thank you Alex! :)
@Gasoline Dude
- nyay! tahan na din. wag na iyak. ehehe.
salamat sa pagdaan at sa koment. at tama ka dun, wala talagang madaling paghihiwalay. kasi mananatili itong isang bangungot na lagi hahabol sa yo hanggat hindi nakakalimot ng tuluyan.
haaay! memories...
@Yeye
- Promise 3 tears talaga? ehehe. sobrang thank you yeye! :)
@Teresa
- masakit talaga kung ang naghiwalay hindi dahil na fall out of love kundi dahil wala na talagang ibang patutunguhan kundi sa hiwalayan kasi hindi na nagwowork at mas nasasaktan na yong isa. kaya kahit hindi madali kailangang isakripisyo ang relasyon para sa kasiyahan ng isa, o maaring sa parehong partido.
@Enday
- wag ka kabahan, magtatagal kayo ng dudung mo. basta wag ka lang magpapasaway kagaya ko. ahaha.
sige palitan tayo ng boto. ehehe
@Doc Mnel
- Miss Pretty, sexy hottie doc,
sinadya ko talaga yung background music para mas lalong magbigay ng kurot sa sino mang magbabasa. ehehe
mahirap talagang pakawalan ang isang tao na naging sentro na nga buhay, lalo na kung sa kanya lang umikot ang mundo. pero tama ka dun doc, kailangan umasa at magtiwala sa mga mas magandang araw na darating.
salamat sa komento doc! :)
inabangan ko talaga ang entry mo para sa emo contest nila komski..
sabi na ngat hindi mo ako mabibigo sa pagpapaiyak e..
alam mo bang kinabahan pa ako dahil baka hindi makapasok ang entry mo dahil nung last day ng submission ng umaga ay hindi ko pa nakikita ang entry mo...sabi na nga at hahabol ka e..
gudluck yods!
asahan mo ang boto ko...=)
ngapala, naka relate ako dun sa pamamaalam na kahit alam nyong mahal nyo pa ang isa't isa ay hindi na pwedeng isalba...hay buhey..=(
@Doc Rio
- Doc salamat sa pagaabang sa entry ko. ehehe. sa totoo lang muntik na ngang hindi ako makahabol e, kasi yung entry na dapat isasali ko hindi ko matapos tapos sa sobrang pagka-emo. e last minute naisip ko na lang na itong entry na to na lang ipapasa ko.
maraming salamat sa boto doc! :)
hay buhay talaga, pagdating sa mga usapang hiwalayang yan isang malaking OUCH ang katumbas.
iba talaga pag ang puso ang pina iral... malalaman mo at sasabihin mo sa sarili mo na nagmahal naman ako ano bang kulang..
why is there a need to say goodbye?
ganda tol.. hehehehe
gudluk sa voting..
Sumali kaya ako.
Pasok naman ata ang pagiging bitter sa emo. Nyark.
"...Sa pagkakataong yun, alam natin pareho, na yon na ang huling beses na mahahawakan natin ng ganoon kahigpit ang isa't isa..."
ok sige, aaminin ko, naapektuhan ako dito sa kwento momg ito. at tulad nilang lahat, nagbalik din ang mga alaala ng dati kong pag-ibig.
ayos, ito, patambay nako dito ah? add kita sa blogroll ko..
salamat ;-)
iboboto ko ang entry na ito sa Project Laughtrip Laffapalooza.
ay mali?
sorry. hehehe.
Post a Comment
Komento mo, isulat mo.
Sumali at makialam. Wag basta manahimik.
Dali mag-comment ka na! ehehe